Umabot na sa 24 ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, batay sa natanggap nilang report mula sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut, umakyat na sa 24 ang nasugatang Pinoy kung saan isa ang nasa kritikal na kondisyon.
Nananatili naman na dalawa ang kumpirmadong patay habang mayroon pang isang Pinoy seafarer na nawawala.
Karamihan sa mga nasugatang ay pawang household service workers.
Samantala sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang tulong pinansyal sa pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi at mga nasugatan sa pagsabog.
Dahil sa tumutinding kaguluhan sa Lebanon, pinag-aaralan na rin ng DOLE na irekomenda sa DFA ang mandatory repatriation ng mga Pinoy doon.
Batay sa datus ng DOLE, nasa 33,000 ang mga Pinoy na naninirahan at nagta-trabaho sa Lebanon kung saan 10,000 rito ay mga undocumented.
Sa ngayon ay mahigit isang daan na ang nasawi habang 4,000 ang sugatan sa malakas na pagsabog sa capital port area.