Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Kathreen Custodio Joson, isang psychologist, private practice sa OJ Fortune Psychological Services, ang mga taong may bipolar disorder, anxiety, depression at may post traumatic disorder ay high risk sa pagkakaroon ng suicidal thought.
Sinabi din niya na ang mga taong may complete suicide ay dati nang nasa isip ang pagkitil ng sariling buhay kung kaya’t di dapat balewalain ang mga warning sign ng mga taong nakararanas ng mental health issues.
Ayon sa kanya, ang mga taong may suicidal thought ay kadalasang nagsasabi na gusto na nilang mawala sa mundo; ayaw makihalubilo sa mga tao; pagkakaroon ng depress moon tumatagal ng isang buong araw, linggo o buwan; may disturb eating and sleeping pattern.
Kadalasang ginagawang pabiro ng ilan ang patungkol sa pagpapakamatay ngunit ito ay seryoso para sa kanila. Maaaring di pa nila gawin ngayon pero gagawin nila ito pag nakakita ng pagkakataon.
Payo naman ni Dr. Joson na maging maingat at sensitibo sa mga sinasabi sa mga taong nakakaranas ng mental health issues.
Sinabi rin niya na mahalaga para sa mga taong nakakaranas ng mga mental health issues na magkaroon ng support group o ng taong makakausap.
Dagdag niya, mainam na kumonsulta sa mga mental health professional habang maaga pa upang mabigyan ng psychological intervention at maiwasan pang lumala ang nararamdaman na maaaring humantong sa pagkitil ng sariling buhay.
Ayon sa kanya, tanggalin na ang stigma at kailangan gawin ang pagpapa check-up sa isang mental health professional ay para lamang nag pagpapacheck-up kapag may ubo at sipon.
Samantala, sinabi niya na ayon sa statistics, mas maraming babae ngayon sa Isabela ang nagpapakamatay.
Matatandaan na napapadalas ang mga naiulat na insidente ng suicide sa probinsya kamakailan.
Ang pinakahuling naiulat na insidente ay nitong Linggo lamang nang magbigti ang isang babae sa Sindun Bayabo, Ilagan City, Isabela noong Hulyo, 24, 2022 at sa bayan ng Roxas.