MANILA – Handang lumagda sa isang bilateral peace agreement ang National Democratic Front o NDF, bago palayain ang lahat ng political prisoners sa bansa.Pero sabi ni NDF Adviser Luis Jalandoni na kailangan munang magbigay ng commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte at kailangan niya rin itong ipatupad.Magiging epektibo aniya ang kasunduan sa sandaling mapakawalan na ang lahat ng political detainee.Una na ring iginiit ng NDF ang pagpapalaya sa mahigit 400 political prisoners ay bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pamahalaan.Pero matatandaang 21 rebel leaders pa lang ang napapalaya ng pamahalaan simula nang gumulong ang pakikipag-usap sa hanay ng NDF.
Facebook Comments