Binabantayang LPA ng PAGASA, isa nang ganap na bagyo

Patuloy pang lumakas at isa na ngayong ganap na Tropical Depression ang Low Pressure Area na binabantayan sa layong 1,075 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa PAGASA, tinatawag na ito ngayong bagyong Julian.

Samantala, mamayang alas-11:00 ng umaga maglalabas ng Severe Weather Bulletin ang PAGASA kaugnay sa lagay ng panahon sa bansa.


Facebook Comments