Binata binaril patay kagabi sa lungsod

Patay ang isang 22 anyos na lalake matapos itong mabiktima ng pamamaril kagabi 8:20 sa labas ng Mall of Alnor barangay RH-9 Cot.City.
Kinilala ang biktima sa pangalan Alivin Guiday residente ng riverside Malagapas barangay RH-10 ng lungsod.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, sakay ang biktima ng kanyang Honda beat single motorcycle ng sundan ng riding in tandem criminals at walang kaabog-abog na pinagbabaril ng maraming beses.
Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang mga suspect habang ang biktima ay agad na isinugod sa CRMC subalit itoy edeneklarang dead on arrival ng mga doktor dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan mula sa caliber 45 pistol…
Mabilis ding nagsagawa ng hot pursuit ang kapulisan ngunit nabigo silang mahuli ang mga salarin.Ayon naman sa hepe ng PP2 PCI Efren Salazar, posibleng may kaugnayan sa droga ang motibo sa pamamaslang habang nagpapatuloy ang inbestigasyon.

Facebook Comments