Inihahanda na ang kasong isasampa na may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa isang binata matapos mahuli dakong 6: 30 kagabi sa isinagawang drug buybust operation ng pulisya sa Regidor St. Purok 2, Brgy Don Tomas Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa ipinarating na ulat ni P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang nahuli ay nakilalang si George Pagarigan, 20-anyos, binata, traysikel drayber at residente ng Jaena St. Brgy. San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Narekober sa kanyang pag-iingat ang dalawang pakete ng pinaniwalaang shabu at P500 marked money kabilang ang isang Honda TMX 125, vape, cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa kanyang transaksyon sa pagbebenta ng droga.