BIR, iimbestigahan ang binabayarang buwis ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects

Magsasagawa ng parallel investigation at fraud audit ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa buwis ng mga kontraktor na pinaghihinalaang sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tugisin ang mga matiwaling kontraktor.

Aniya, titiyakin ng BIR na nagbabayad ng tamang buwis ang lahat ng contractor sa bansa laluna ang mga pinaghihinalaang sangkot sa mga manomalyang kontrata sa pamahalaan.

Binigyang diin ni Lumagui na sakaling mapatunayan ang hindi pagbabayad ng tamang buwis ng mga kontraktor, agad sususpindehin ang kanilang kasalukuyang kontrata at idi-diskwalipika para hindi na makalahok sa mga government procurements.

Facebook Comments