BLOOD DONATION DRIVE, ILULUNSAD SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN

Ilulunsad ang magkahiwalay na blood donation drive sa mga bayan ng Natividad at Mabini sa lalawigan ng Pangasinan upang makatulong sa patuloy na pangangailangan ng suplay ng dugo sa mga ospital.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) ng Natividad, bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng Ayat Festival sa bayan.

Gaganapin ang blood donation drive sa Pebrero 13, mula alas-otso ng umaga hanggang ala-una ng hapon, katuwang ang Pangasinan Provincial Hospital.

Samantala, sa bayan naman ng Mabini, isasagawa ang blood donation drive sa Pebrero 18, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross.

Noong Enero, iniulat ang mataas na demand at mababang suplay ng dugo sa ilang pagamutan, kabilang ang Region 1 Medical Center sa Dagupan City.

Dahil dito, muling hinihikayat ang publiko na makiisa sa mga blood donation drive upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang suplay ng dugo.

Facebook Comments