Ito ay matapos na maghain ng petisyon si dating Luna, Isabela Mayor Jaime Atayde.
Kaagad ding naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) si Presiding Judge Reymundo Aumentado ng RTC, Cauayan City, Isabela.
Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay dating mayor Atayde, marami aniyang dahilan kung bakit ito naglabas ng TRO kontra ISELCO-1.
Una na riyan ay dahil sa hindi umano inabisuhan kaagad ng naturang kooperatiba ang publiko ukol sa gaganaping eleksyon na nakatakda sana nitong Nobyembre 19-20, 2022.
Aniya, wala rin umanong inilabas na listahan ng mga kakandidato para sa eleksyon ang ISELCO.
Bukod pa riyan, dapat rin umano na 20-araw bago ang mismong eleksyon ay naikampanya, naipakalat, o naipaalam man lang ito sa mga “member-consumer”.
Samantala, wala pang petsa ang gaganaping hearing ukol sa ihinaing petisyon ng dating alkalde.
Kung kaya’y, wala munang gaganaping District Elections ang kooperatiba hanggang matapos ang pagdinig.