LALAKING SUSPEK, ISA NANG NAAAGNAS NA BANGKAY SA KABUNDUKAN NG LA UNION

Isa nang naagnas na bangkay nang matagpuan sa kabundukan ang lalaking suspek sa nagdaang insidente ng pamamaril sa Brgy Cabalayangan, Bauang, La Union.
Siya ay si Belfredo Bautista Ariz, 57 anyos.
Ayon sa report, natagpuan ng dalawang residente sa lugar ang naagnas na katawan ni Ariz sa bulubunduking bahagi ng kanilang Barangay na nakabigti sa ilalim ng isang puno gamit ang tali.

Tinatayang nasa tatlo hanggang apat na linggo na umano itong patay.
Nalaman mula sa mga kaanak nito na nakaranas siya ng depresyon matapos siyang ma-convict sa kasong Lascivious Conduct at ma-involve sa insidente ng pamamaril noong Oktubre 17 nitong taon sa nasabing Barangay na kung saan ay nagtago ito sa kabundukan.
Wala naman nakita ang awtoridad na palatandaan ng foul play sa lugar. | ifmnews
Facebook Comments