BOC, bubuo ng academy para humubog sa ugali ng mga empleyado ng ahensiya

Manila, Philippines – Naniniwala si BOC Commissioner Isidro LapeƱa na malaki ang maitutulong sa bubuuhin nilang Akademeya upang mahubog ang character at values formation ng bawat empleyado at opisyal ng ahensiya.

Bukod sa pagbubuo ng BOC Academy mahigpit din ipatutupad ang tinatawag na “One Strike Policy” kung saan agad umanong sisibakin ang mga Port collector na hindi susunod at lalabag sa kanyang mga instruction.

Paliwanag ni LapeƱa kapag naipatupad na ang kanyang mga polisiya tiwala siyang makukuha nila ang target na koleksyon na 50.1 Bilyon piso bawat buwan kung saan ay kinakailangan umanong i-remit agad ang kanilang daily collection sa mga Port.


Dagdag pa ng opisyal na magbibigay siya ng reward system at promotion sa mga karapatdapat na mga kawani na tumutupad sa kanilang mga polisiya.

Anya magkakaroon ng malawakang balasahan pero hindi pa nito tinukoy kung kailan pero nilinaw ni LapeƱa bilang bahagi ng humanitarian consideration ang mga opisyal na nanunungkulan panahon pa ng Aquino Administration ay hindi nito sisibakin bastat ginagampanan lamang nila ang kanilang trabaho.

Muling iginiit nito na walang Tara at Pasalubong sa kanyang Aministrasyon at kapag napatunayan at nahuling tumatanggap ng Tara ay alam na umano nila kung ano ang kanilang pagkalalagyan.

Facebook Comments