Gagamiting alternatibo ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng mga body worn camera para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP PIO Chief PBgen. Red Maranan, dahil kulang ang mga body cam ng PNP na nasa 2,700 lamang, gagamitin muna ang mga ito sa mga ipapakalat na checkpoint bago maghalalan.
Paliwanag ni Maranan, ang mga body cam na ito ay magsisilbing proteksyon hindi lamang ng publiko laban sa ilang tiwaling pulis, kundi proteksyon na rin ng mga pulis laban naman sa mga maling akusasyon habang isinasagawa ang checkpoint.
Samantala, maaari din aniyang gumamit ang mga pulis ng video camera ng kanilang cellphones, dahil pinapayagan naman aniya ito ng korte.
Facebook Comments