DMW Sec. Susan “Toots” Ople, pumanaw na sa edad na 61

Ang buong Radio Mindanao Network Inc. at DZXL-558 Radyo Trabaho ay taos pusong nakikiramay sa naulilang pamilya sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan “Toots” Ople.

Si Sec. Ople ay pumanaw kaninang ala una ng hapon sa edad na 61-anyos.

Kinumpirma ito ni DMW Spokesperson Toby Nebrida kasabay ng paghingi sa publiko na ipagdasal si Ople at ang naulilang pamilya nito.


Nitong nakaraang Hulyo nang nag-wellness break si Ople matapos ang pagpanaw ng dalawa niyang nakatatandang mga kapatid na sina dating Hagonoy Mayor Felix Ople at dating journalist na si Blas Ople Jr. dahil sa sakit na cancer.

Si Ople ay dating anchor ng programang “Bantay OFW” dito sa DZXL – 558 Radyo Trabaho na nagsusulong ng kapakanan ng mga OFW.

Facebook Comments