Bomb Expert ng NPA, Arestado

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Arestado kasama ang apat na iba pa ang tinaguriang bomb expert ng New People’s Army.

Ito ang napag-alamang ng RMN News mula kay Army Captain Jefferson Somera, ang pinuno ng 5ID Public Affairs Office (DPAO) sa panayam sa kanya ng RMN Cauayan News.

Naaresto ang apat alas-onse ng gabi noong Pebrero 18, 2018 sa Cabisera 17-21 sa Ilagan City, Isabela.


Ayon sa impormasyon mula sa militar, ang mga naaresto ay sina Mauricio Sagun alyas Johnny o Raul na siyang taga sanay ng Regional Operation’s Command(ROC) at pangalawang Pinuno ng Demolition/Explosive Team ng ROC sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Hilaga Silangang Luzon(KHSL) ng New People’s Army.

Kasama sa mga naaresto ay sinja Mario Turqueza alyas Dumo na siyang blasterman ng grupo, Maximiano Domingo, Ariel Penaflor at Bernard Penaflor na pawang nakatira sa San Mariano, Isabela.

Ang pagkaka-aresto ng lima ay dahil sa ipinakat na operasyon ng 5ID, PRO2 at Isabela PPO para isilbi ang Warrant of Arrest dahil sa kasong murder na nakabinbin sa RTC Branch 16 sa Ilagan City, Isabela laban kay Sagun.

Ang Warrant of Arrest at ini-issue noong May 7, 2015 ng presiding Judge na si Isaac de Alban.

Kasabay ng pagka-aresto ay nakuha din sa pangangalaga ng lima ang isang 9mm beretta pistol, limang USB, ilang kuwaderno, isang netbook, isang powerbank, isang celluar phone charger, apat na micro sd card, itak at mga personal na mga kagamitan.

Napag alaman pa na ang 9mm beretta pistol ay rehistrado na baril ng PNP na inagaw ng mga NPA mula sa isang pulis noong 2010 sa Abulug, Cagayan.

Idinagdag pa ni Captain Somera na ang taumbayan din ang nakatulong para sa pagkakatukoy at pagkakakilanlan ng mga naarestong NPA sa Ilagan Isabela.

Facebook Comments