BOMBA MULA PA NOONG WWII, NADISKUBRE SA BENGUET

Narekober ng mga miyembro ng Regional EOD at Canine Unit (RECU) Cordillera ang 500 Lbs. General Purpose Bomb sa Caliking, Atok, Benguet.

Ayon sa RECU COR, ang nakuhang bomba ay naiwan noong panahon pa ng World War II.

Dagdag pa mga awtoridad, maaari pang sumabog ang bomba kung kaya’t agad nang isinagawa ng RECU ang paglilipat at ligtas na pag-iimbak ng nakuhang bomba.

Isang residente umano ang nakadiskubre ng bomba sa nasabing lugar at itinawag ito sa Atok Municipal Police Station.

Facebook Comments