Ayon kay DOH Assistant Regional Director Dr. Mar Wynn Bello, wala pang naitalang omicron sub-variant sa rehiyon, bagay na ipinagpapasalamat ng kagawaran.
Patuloy aniya ang kanilang pagbabantay sa kaso ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sample specimen sa Philippine Genome Center upang matiyak na walang kaso ng Omicron sub-variant.
Iginiit rin ni Bello na kailangan pa rin na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standard at kung maaari ay magpabakuna kontra COVID-19.
Samantala, nasa 14% pa lang ng mga populasyon ang nakatanggap na ng booster dose sa buong rehiyon.
Dagdag pa ni Dr. Bello, lahat ng bakuna ay epektibo laban sa virus kaya’t maiging magpabakuna laban sa virus.
Nananatili namang mababa ang COVID-19 trend sa buong rehiyon kaya’t wala namang dapat ikabahala ang publiko ngunit kailangan na magpabakuna para sa dagdag na proteksyon kontra COVID-19.