Boracay masususing pinagaaralan kung bubuksan para sa mga local at international tourist

Kalibo, Aklan— Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Provincial government ng Aklan ang pagbubukas ng isla ng Boracay para sa mga international tourist. Ayon kay Cong. Teodorico Haresco Jr. representative ng 2nd district ng Aklan na nakipagusap na ito kay Gov. Joeben Mitaflores tungkol sa nasabing paksa kung saan sinabi ng gobernador na sinasaalang-alang muna nito kung magtatayo muna ng infectious disease center ang lalawigan bago mag bukas ang isla. Sinabi ni Cong Haresco na kung ganun ang mangyayari ay dalawang taon pa ang kakailanganin. Natapos na umano ang quarantine facilities, isolation wards at critical care ng lalawigan para sa COVID 19 patients dalawang linggo na ang nakraraan. Ang mga kakompitensiyang bansa sa turismo kagaya ng Thailand, Indonesia at Vietnam ay nauna nang nagbukas para sa mga turistang galing sa bansa na may mababang risk ng COVID 19. Dagdag pa ng kongresista na mas mabusisi ang proseso sa pagsakay sa eroplano dahil sumasailalim pa ng COVID 19 test ang mga pasahero bago payagang maka-alis. Kung ikukumpara umano sa kasalukuyan na pinapayagan na ang mga local tuorist mula Iloilo o Negros mas mataas ang tsansa na makapasok ang may virus sapagkat hindi naman ang mga ito sumasailalim sa COVID19 tests. Samantala inihayag naman ni Atty. Selwyn Ibarreta na gusto umano ng gobernador na tapusin muna ang Molecular Testing Laboratory ng probinsiya bago siya sumulat sa DOT at Boracay Inter-agency Task force na buksan na ang isla. Napag alaman na target ng provincial government na maging operational ito sa unang linggo ng Agusto. Sa ngayon gusto lamang ng kongresista na makabalik na sa trabaho ang mga nawalan ng kita sa Boracay dulot ng pandemic.

Facebook Comments