Kalibo, Aklan — Nakapagtala ang isla ng Boracay ng ikalawang pinakamataas na tourist arrival ngayong taon sa panahon ng pandemya.
Base sa data na umabot sa 32, 452 na mga turista ang bumisita sa kilalang isla ng Boracay mula Oktubre 1 hanggang 31, ngayong taon.
Mababa ito ng 2, 656 kung ikumpara sa numero ng mga turistang bumisita noong nakaraang buwan ng Hulyo na may 35, 108.
Sa buwan ng Hulyo ay bahagyang nahito ang pagpasok ng mga turista ng ipinagbawal ang leisure travel matapos na isailalim ang probinsya ng Aklan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Muli namang sumigla ito sa buwan ng Oktubre at inaasahan pa ang mas maraming turista na bibisita bago matapos ang taon.
Sa ngayon ay bukas na rin ang Boracay sa mga turistang fully vaccinated maliban lamang sa mga taga probinsya ng Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo province at Iloilo City na hindi na kailangan pang mag presenta ng RT-PCR test result.
Boracay nakapagtala ng ikalawang mataas na tourist arrival ngayong taon sa panahon ng pandemya
Facebook Comments