BORACAY TEMPORARY CLOSURE | Cebu Pacific, nagkansela na ng biyahe patungong Boracay kasunod ng pansamantalang pagsasara ng isla

Manila, Philippines – Kasunod ng naka ambang pagsasara sa Isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan.

Nagkansela na ng byyahe nito ang Cebu Pacific simula April 26 hanggang October 25.

Kabilang sa mga nakansela ay ang arawang biyahe ng Cebu Pacific na Manila-Caticlan-Manila


Gayundin ang Cebu-Caticlan-Cebu, Caticlan-Clark-Caticlan, Clark-Kalibo at Kalibo-Incheon-Kalibo

Samantala, may mangilan-ngilan parin namang biyahe patungong Kalibo at Caticlan para sa mga residente ng Boracay at upang hindi maapektuhan ang negosyo o komersyo sa Isla.

Maaaring makita ang mga hindi nakanselang byahe ng CebPac sa website nito na www.cebupacificair.com

Kaugnay nito doon naman sa mga turista na nakansela ang biyahe maaaring mairefund ng buo ang kanilang airfare, maaari ding i-rebook o ire-route ang kanilang biyahe sa anumang domestic destination sa bansa.

Facebook Comments