Borongan City mayor, pinatawan ng 90-day suspension ng DILG-Eastern Samar

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng 90-day na suspensyon si Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda dahil sa paglabag sa Republic Act 6713, o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Eastern Samar ang suspensyon nitong Disyembre 1, na siya ring unang araw ng bisa nito.

Itinalaga naman ng DILG si Vice Mayor Emmanuel Tiu Sonco bilang pansamantalang alkalde hanggang Pebrero 25, 2026.

Batay sa desisyon, nagmula ang paglabag sa isang pagkakamali sa pag-fill-out ng form para sa divestment ni Agda sa JIDCA Builders, isang kompanyang kanyang itinatag at nakakuha ng ilang kontrata sa lungsod.

Gayunman, pinawalang-sala si Agda sa dalawang hiwalay na reklamong graft and corruption at abuse of authority.

Ayon kay Agda, tinanggap niya ang desisyon dahil nilinis nito ang kaniyang pangalan sa mas mabibigat na paratang.

Sinabi rin niyang siya ang sumulat sa DILG upang agad na maipataw ang suspensyon.

Facebook Comments