Boy Abunda at Maine Mendoza “first time together” video, usap-usapan sa internet

Screenshot via ABS-CBN Facebook page

Inaabangan ngayon ng publiko ang kauna-unahang pagsasama nina Boy Abunda at Maine Mendoza.

Sa Facebook page ng ABS-CBN, mapapanood ang teaser tungkol sa umano’y pagkikita ni Tito Boy at Yaya Dub.

“Si Tito Boy at Maine magkasama? Bakit? Saan? Paano? Di basta-bastang paghaharap ‘to!”, caption ng ABS-CBN page.


Maging ang GMA 7, ibinahagi ang nasabing teaser.

Batay sa tweet, mapapanood ang dalawa sa national television sa darating na Hulyo 12.

Ipinost ng dalawang giant network ang “first time together” video nitong Linggo.

Hinala ng ibang fans, guest si Maine sa programang “Tonight with Boy Abunda” dahil sa pelikulang “Isa Pa With Feelings” katambal si Carlo Aquino.

Tingin ng ibang tagahanga, commercial ng isang kilalang brand ang ipapalabas sa telebisyon.

Samantala, tila pinabulaanan ni Maine ang spekulasyong mag-oober da bakod na siya dahil sa ipinalabas na plug.

Sa Twitter page ng Eat Bulaga nitong Martes, makikita ang litrato ng Kapuso aktres at may linyang “See ü at 12 noon, !”

Facebook Comments