MANILA – Kinasuhan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Department of Justice ang Branch Manager ng RCBC bank na si Maia Santos-Deguito.Kaugnay ito ng $81 million na ninakaw ng mga hackers mula sa Bangladesh bank na kwestyunableng naipasok sa bansa sa pamamagitan ng RCBC.Bukod kay Deguito, kinasuhan rin ng AMLC na sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.Ginamit umano ang pangalan ng apat sa mga bank accounts na binuksan ni Deguito para maipasok ang pera sa bansa.Isinampa ng AMLC ang kaso bago pa harangin si deguito at pamilya nito noong Biyernes sa NAIA Terminal 2.Samantala… Sisimulan ng Senado ngayong araw ang imbestigasyon sa umanoy 81 million dollars na money laundering scheme sa bansa.Ayon kay Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairman Serge Osmeña, maraming dapat ipaliwanag si Deguito kahit sinabi nito na napag-utusan lamang siya ng kanyang mga boss sa RCBC office.
Branch Manager Ng Rcbc, Kinasuhan Kaugnay Sa Money Laundering Scheme, Imbestigasyon Ng Senado, Simula Na Ngayong Araw
Facebook Comments