Brgy. 342, mainit na tinanggap ang team ng DZXL Radyo Trabaho

Naging mainit ang pagtanggap ng Brgy. 342 sa team ng DZXL Radyo Trabaho (RT) na bumisita sa kanila para sa “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho”.

Bitbit ng RT team ang mga munting sorpresa tulad ng wall clock, mugs, flyers and stickers.

Ayon lugar sa ilalim ng pamumuno ni Chairwoman Ana Liza Santos ay nakatutok sa pagsasagawa ng declogging o paglilinis ng mga kanal at estero para maibsan o maiwasan ang pagbaha lalo’t madalas na umuulan.


Abala rin ang Brgy. 342 ngayon sa paglalagay ng CCTV camera sa mga kalsada na sakop ng barangay para maiwasan ang mga krimen at mapanatili ang kaayusan at katahimkan sa lugar na sakop nito.

Facebook Comments