
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batangas Provincial Field Unit kasama ng San Juan Municipal Police Station sa isinagawang buy bust operation ang tatlong lalaki na umano’y nagbebenta ng mga loose firearms sa Brgy. Janao Janao, San Juan, Batangas.
Ang nasabing mga suspek ay isang Brgy. Kagawad at dalawang tanod sa nasabing lugar.
Narekober sa kanila ang tatlong calibre 45 na mga baril na walang kaukulang permit at lisensya.
Ayon sa pulisya, ang nasabing mga suspek ay sangkot umano sa gunrunning activities na nagooperate sa Batangas.
Sa ngayon ang tatlong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments










