Brgy.Kapitan na Kapatid ni ANAC-IP Cong. Jose Panganiban, Inambush!

Angadanan, Isabela – Nakaligtas sa kamatayan ang kapatid ni Congressman Jose Bentot Panganiban ng ANAC –IP na si kapitan Reynaldo Panganiban, Presidente ng Liga ng Mga Barangay o LMB sa bayan ng Angadanan Isabela, matapos na swerteng hindi tamaan sa nangyaring pananambang kagabi habang papauwi sa kanyang Barangay sa Viga ng nasabing bayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Carlito Manibug, Deputy Chief of Police ng PNP Angandan, pasado alas dyes kagabi ng maganap ang pananambang kay kapitan Panganiban habang sakay ng kanyang Isuzu D Max na may plakang AIA 5387 at binabagtas ang kahabaan ng Barangay Ingud Norte.

Ang opisyal ay pauwi galing sa isang pagtitipon ng sundan umano ng dalawang nakamotorsiklo at ng makarating sa madilim na lugar sa nasabing barangay ay pinagbabaril ang kaniyang sasakyan gamit ang kwarentay singkong baril.


Agad na tumalon ang kapitan sa kanyang sasakyan at nakipagpalitan ng putok kayat napilitan ang mga suspek na tumakas at iniwan ang kanilang target na hindi narin nagawang habulin ni kapitan Panganiban ang mga suspek matapos sumabog ang dalawang gulong ng sasakyan nito dahil sa tama ng bala.

Sa pagtugon ng kapulisan ay narekober ang apat na basyo ng kalibre kwarentay singkong baril sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Angadanan sa naturang pangyayari.

Matatandaan na si kapitan Reynaldo Panganiban ay inaaresto ng mga tropa ng PNP Isabela noong nakaraan taon matapos tutukan ng baril ang mga pulis na nagpapatupad ng EO ni Governor Bojie Dy laban sa mga kolorum na motorsiklo dito da lalawigan ng Isabela.

Personal na away o dahil sa pulitika ang nakikitang anggulo o motibo ang tinututukan ngayon ng kapulisan matapos masangkot sa ibat ibang gulo ang nasabing kapitan.

Facebook Comments