Brgy. Official patay sa pamamaril, Official ng LGU Ampatuan tinambangan

91

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Cotabato City PNP kaugnay sa nangyaring pamamaril sa Ukay -Ukay section ng Fiesta Mall Compound sa RH 10 pasado ala una ngayong hapon.Kinilala ni Station 2 Commander PSINS Rutum Pastolero ang naging biktima na si Basit Macmod Taguigaya 40 anyos at sinasabing former Brgy Chairman sa Shariff Saidona Mustapha.Nagtamo ng multiple gunshot wound sa kanyang katawan ang biktima mula sa bala ng Caliber 45 pistol.Samantala, tinambangan naman ang isang opisyal ng bayan ng Ampatuan mag aalas tres ngayong hapon.Sinasabing sakay ang mga biktima ng Montero ng pagbabarilin sa bahagi ng Baranggay Bagan.Naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima.Inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng mga ito. Sinasabing kabilang sa mga sugatan ang Treasurer ng bayan.

Facebook Comments