Brigada Eskwela sa Marawi, pinaghahandaan na ng DepEd

Marawi City, Philippines – Pinaghahandaan na ng Department of Education ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa lungsod ng Marawi.

Ito ang sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa harap ng mga Internally Displaced Persons o IDPs sa school of fisheries sa Barangay Buruun sa lungsod ng Iligan.

Nais ni Briones na maitayo agad ang lahat ng mga school buildings na nasira dahil sa kagulohang nangyari sa lungsod ng Marawi.


May isang paraalan na umano silang natukoy kung saan ilalagay ang lahat ng mga donasyon na kanilang malikom gaya ng pintura, pako, kahoy at marami pang iba para sa darating na Brigada Eskwela sa Marawi.

Inaanyayahan naman ni Briones ang lahat ng pwede maging volunteer kung ideklara na nang mga otoridad na ligtas at wala nang panganib sa marawi ay agad sila na magsasagawa ng Brigada Eskwela.

Sa ngayon ay hinimok ni Briones ang lahat ng mga magulang ng IDPs na paaralin muna ang kanilang mga anak sa mga paaralan dito sa lungsod ng Iligan.

Facebook Comments