Brigada Eskwela, Sinimulan Na!

rmnCauayan City, Isabela- Masigasig na sinimulan ng mga Volunteers at mga magulang ang unang araw ng Brigada Eskwela sa South Central School dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ang inihayag ni Dr. Liwliwa Calpo, ang Principal ng South Central School sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga at aniya, maaga pa lamang ay nagsidatingan na ang mga boluntaryo na galing pa mula sa District 1 at District 3 upang tumulong na paglilinis sa kanilang paaralan.

Ayon pa kay Dr. Calpo, Mayroon nang inisyal na donasyon ang Brgy Kapitan ng District 1 na dalawampu’t limang bag ng semento at dalawang timba ng pintura na kanilang gagamitin para sa pagpapagawa ng Handwashing Area para sa mga estudyante.


Nasa mahigit tatlong libong estudyante na rin umano ang kanilang paaralan at inaasahan pang tataas ang bilang ng mga ito ngayong pasukan.

Samantala, inihayag rin ni Dr. Calpo na kasalukuyan pa ang kanilang enrollment sa Kinder Garden para sa mga batang maglilimang taong gulang at magtatapos rin ito sa unang araw nitong buwan ng Hunyo kasabay rin ng pagtatapos ng isinasagawang Brigada Eskwela.

Facebook Comments