“Bring your dog to work day” policy – ipinatutupad ng isang kumpanya sa Thailand

Panghimagas – Isang digital advertising agency sa Bangkok Thailand ang hinihikayat ang mga empleyado nito na magdala ng kanilang mga alagang aso sa opisina.

Hindi raw ito marketing scheme ng kompanya, gusto lang ng manager na si Anankanat Kongphanich na maging relax at mas komportable sila sa pagtatrabaho.

Stress reliever kasi ang mga alagang aso na bagay na bagay raw sa kanilang stressful na working environment.


Katunayan, simula nang ipatupad ito sa kanilang kompanya, mas naging productive ang kanilang mga staff.

Araw-araw, nasa higit 20 aso ang dinadala sa opisina kaya napagkakamalan na rin daw itong pet shop.

Facebook Comments