Pormal na klase ng mga Lumad nagsimula na sa UP ,Quezon City

Manila, Philippines – Simula ngayong araw ipinagpatuloy na ng Lumad students ang kanilang pag-aaral sa tinaguriang Bakwit School sa UP diliman International Center sa Quezon City.

Ayon kay SOS o The Save Our Svhool Network Spokesperson Rius Valle may 109 na Elementary at Junior at Senior High School Lumad Students mula sa Davao Region at Caraga Region ang nagpapatuloy ng kanilang formal classes matapos tumigil sa pag aaral dahil sa kaguluhan sa Mindanao

Paliwanag ni Valle, buwan pa ng Hulyo nagkampuhan sa UP Campus ang mga Bakwit at piniling manatili sa takot na bumalik sa Mindanao.


Nagsisilbing guro ng Bakwit School ang mga volunteer teachers mula sa Unibersidad ng Pilipinas at iba pang eskwelahan.

Facebook Comments