Juan Manuel Marquez – magreretiro na sa boxing

Sports – Magreretiro na ang Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.

Sinabi mismo ito ni Marquez matapos na magtamo ng injury dahilan kaya matagal siyang nanahimik sa boxing.

Simula pa noong Mayo 2014, hindi na aktibo ang tinaguriang ‘El Dinamita’.


Balak pa sana niyang bumalik sa karera, pero dahil 43-anyos na aminado siyang mahihirapan na siyang makipagsuntukan sa ring.

Si Marquez ang ikatlong boksingerong nakapagpabagsak kay Manny Pacquiao noong December 2012.

Facebook Comments