BSP, pinahihigpitan ang banking at financial institutions kontra money laundering

Manila, Philippines – Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko at financial institutions na paigtingin ang customer due diligence procedures upang matiyak na hindi magagamit ang Pilipinas bilang money laundering site.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier – inaabisuhan nito ang mga bangko tungkol sa inamiyendahang frequently asked questions o FAQS mula sa US Department of Treasury’s Office of Foreign Assets Control (US-OFAC) kaugnay sa Venezuela-related sanctions.

Ani Fonacier – bagamat ang Amerika lamang ang direktang natatamaan ng sanctions, dapat lamang na makipagtulungan ang Pilipinas sa transnational investigations at prosecutions sa mga nadadawit sa money laundering activities.


Aniya, ang lahat ng BSP supervised financial institutions ay dapat matukoy at aksyunan ang mga kliyenteng nakikipagtransaction sa mga indibidwal o grupo sa US-OFAC sanctions list.

Ipasiyasat ng mga bangko ang anumang kaduda-dudang transaksyon at isumbong ito sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Facebook Comments