BuCor Chief, hihilingin sa COA ng special audit sa ahensya

Hihilingin ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang sa Commission on Audit (COA) na i-review ang specific sectors at issues ng ahensya.

Ayon kay Catapang, makakatulong ito na maayos ang mga kontrobersiya na nagsilabasan sa BuCor.

Aniya, ang pagtuklas sa tunnel, mga hayop at mga high-value inmates housing sa New Bilibid Prison (NBP) ay kumakatawan lamang sa “tip of the iceberg” na kailangan ma-audit.


Giit ni Catapang, nagsagawa na siya ng performance audit sa tulong ng kanyang sariling team pero hindi ito sapat kumpara sa full COA audit.

Nauna nang sinabi ni suspendidong BuCor Chief Gerald Bantag na siya ang nag-utos ng paghuhukay ng 200-meter-wide at 30-meter-deep hole o tunnel dahil gusto niyang magtayo ng malalim na swimming pool dahil siya ay “scuba diver.”

Pero sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na binanggit ni Bantag sakaniya na sinimulan ang proyekto para maghanap ng Yamashita treasure.

Facebook Comments