Budget deficit ng bansa, nabawasan

Nakapagtala ang national government ng budget deficit o kakulangan ng pondo na umabot sa ₱146.8B nitong nakalipas na Mayo.

Pero ayon sa Bureau of Treasury, mas mababa ito ng 26.72% mula sa ₱200.3B budget deficit noong Mayo 2021.

Ayon sa Bureau of Treasury, ang bumabang budget deficit ay bunsod ng malaking kinita ng pamahalaan na sinundan ng pagliit ng mga gastusin.


Nitong nakalipas na buwan ng Mayo, umabot sa ₱304.9B ang kabuuang kinita ng gobyerno kumpara sa ₱256.4B nakolekta noong May ng 2021.

Nabatid na 40% rito ay mula sa buwis habang ang 10% ay galing sa non-tax revenues tulad ng remittances ng PAGCOR at iba pang charges na sinisingil ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa kabuuang koleksyon ng buwis, ₱216.6B ang galing sa Bureau of Internal Revenue (BIR), habang ₱66.3B ang galing naman sa Bureau of Customs (BOC).

Samantala, sa datos pa ng Bureau of Treasury, naitala ang gastos ng gobyerno sa ₱1.6B nitong nagdaang Mayo na mas mataas ng ₱43.1B kumpara sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.

Facebook Comments