Dalawang drug suspek sa Taytay, Rizal, huli; 1.6 milyong pisong halaga ng shabu nakumpiska

38

Arestado ang dalalwang drug suspek sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Taytay Rizal Police Station sa isang Subdivision sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba, ang mga nahuli ay sina Jomar Vergara, 19 anyos at Edgardo Claudio, 25 anyos na itinuturing na high-value drug individual.

Sa operasyon nakuha sa kanila ang 1.6 milyong halaga ng shabu.


Sa ngayon nahaharap na ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Pinuri naman ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na drug operation.

Facebook Comments