BUGBOG | Labi ng pinay worker na natagpuang patay sa freezer, bukas maiuuwi sa bansa

92

Manila, Philippines – Labis na pambubugbog ang sanhi ng ikinamatay ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinatay at isinilid sa freezer sa Kuwait.

Ayon kay Renato Pedro Villa, Philippine Ambassador sa Kuwait, ito ay base sa awtopsiya na ginawa ng forensic doctor sa Kuwait.

Aniya, nagtamo ang biktima ng bali sa tadyang, iba’t ibang sugat at trauma sa balakang, kidney at may pagdurugo rin sa loob ng katawan o internal bleeding.

Inaalam pa rin aniya ng mga awtoridad kung patay na ba si demafelis nang ilagay sa freezer.

Hinahanap pa rin ng Kuwait authority ang mag-asawang Syrian at Lebanese na naging amo ni Demafelis pero may impormasyong wala na ang dalawa sa naturang bansa.

Inalerto na rin ng Kuwaiti minister of interior ang interpol para sa paghahanap sa mag-asawa.

Inaasahan naman maibabalik sa bansa ang mga labi ni Demafelis sa Biyernes ng gabi, February 16.

Facebook Comments