Bulacan governor, pumalag sa Amnesty International

230

Bumuwelta ang Philippine National Police (PNP) sa report ng London-based na Amnesty International na lalong dumarami ang mga biktima ng Extra Judicial Killings o EJK sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, itinanggi nito ang report ng Amnesty International kaugnay sa mga patayan sa bansa lalo na ang report sa paglubo ng crime index sa Bulacan.


Samantal, pinalagan din ng provincial government ng Bulacan ang Amnesty International matapos ituring ang probinsya bilang ‘bloodiest killing field’ o maraming napapatay sa giyera kontra droga.

Ayon kay Governor Daniel Fernando – bilang bagong halal na opisyal ay dismayado siya sa report.

Bagamat suportado nila kampanya laban sa ilegal na droga, iginiit ng gobernador ay dapat pa rin iginagalang ang karapatang pantao at mayroong due process sa mga akusado.

Dapat ding tingnan ang factual at legal basis ng mga pagpatay.

Samantala, iginiit naman ni Butch Olano, Section Director ng Amnesty International Philippines – nag-focus talaga sila sa Bulacan dahil ibinase nila sa report ng PNP na sa lalawigan ang may pinakamaraming kaso ng pagpatay.

Pinuna rin nila ang drug watchlist, kung validated ba ang mga nakalista rito at nabibigyan ng due process ang mga ito.

Nitong 2018, nasa 542 cases ang naitala sa Central Luzon at karamihan sa Bulacan.

Facebook Comments

From Advertisers