Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng usok

Muling nagbuga ng usok ang bulkang Kanlaon.

Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), aabot sa 300 meters ang taas ng steam-laden plumes bago ito mapadpad sa hilagang kanluran at timog silangan ng bahagi ng Bulkang Kanlaon.

Nakapagtala naman ng 104 volcano-tectonic earthquakes sa kanlurang bahagi ng bulkan.


Isang lindol na may lakas na 3.0 magnitude ang naitala kaninang alas 5:07 ng umaga at naramdaman ang Intensity 2 sa La Carlota City, Negros Occidental.

Nanatili ang pamamaga ng gitnang dalisdis ng bulkang Kanlaon simula noong Abril 2020.

Nakataas pa rin ngayon ang alert level 1 ang bulkang Kanlaon.

Ngunit pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa 4-km radius danger zone dahil sa posibilidad ng
steam-driven o phreatic eruptions.

Facebook Comments