Monday, March 16, 2026

Bulkang Kanlaon, nagpakita ng Strombolian activity eruption—PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng minor Strombolian activity eruption sa Mount Kanlaon simula kaninang 1:17 p.m.

Ayon sa PHIVOLCS, bago mag-12:00 noon kanina ay nakuhanan ng time-lapse footage ang panandaliang lava fountaining ng bulkan.

Batay sa mga obserbasyon, nagbuga ang bulkan ng ash plume na umabot sa humigit-kumulang 700 metro mula sa bunganga bago ito tangayin ng hangin patungong kanluran-hilagang kanluran.

Samantala, nasa ika-70 magkakasunod na araw na ang effusive eruption ng Mayon Volcano.

Patuloy itong naglalabas ng lava flows, pyroclastic density currents, at rockfall sa paligid ng bulkan.

Gayunman, nananatili sa Alert Level 3 ang status ng Mayon at mahigpit na ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone.

Facebook Comments