BUMISITA | Chinese official, nag-courtesy call kay CGMA

32

Manila, Philippines – Bumisita sa kamara ang vice chairman ng standing committee ng National People’s Congress ng People’s Republic of China na si Ji Bingxuan.

Kasama ni Bingxuan ang delegasyon nito na nag-courtesy call kay House Speaker Gloria Arroyo.

Nakipagpulong ito kay Arroyo kasunod ng naging pagbisita ng speaker sa kanilang bansa ilang araw lamang ang nakalilipas.

Nilinaw naman ng inter-parliamentary relations and special affairs bureau na hindi ito dapat bigyan ng anumang kahulugan dahil ito lamang ay pagbibigay pugay tulad sa ibang mga matataas na opisyal ng ibang bansa na bumisita din sa Kamara.

Ganito rin naman anila ang ginagawa sa matataas na opisyal ng Pilipinas na bumibisita sa ibang bansa.

Facebook Comments