Empleyado ng ISELCO, Patay sa Pamamaril!

*Echague, Isabela- *Patay ang isang empleyado ng ISELCO matapos pagbabarilin ng riding in tandem kagabi sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Jerry Benedicto, 46 anyos at residente ng Pinzon Subd. San Fabian, Echague, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Edgar Pagulayan, OIC ng PNP Echague, pauwi na kanyang bahay ang biktima lulan ang minamanehong sasakyan nang bigla itong pagbabarilin ng anim na beses ng mga hindi pa nakikilalang riding in tandem na suspek.


Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng baril sa katawan ang biktima at napag-alaman na gumamit ng hinihinalang caliber 45 na baril ang mga suspek.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Echague hinggil sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng mga suspek at motibo na rin sa pamamaril.

Facebook Comments