Kinilala ang mga tatlong (3) rebelde na sina Ramer Gacola alias “Ivar/Darmo” Commanding Officer ng Sandatahang Yunit Propaganda Platun kasama ang kanyang buntis na asawa na si Ann Castillo alias “Eva/Jai” Medical Officer at Lester Paulo Advincula alias “Jin”, CTG’s political guide.
Iniharap ang mga sumuko sa lokal media ng Press Conference na ginanap sa Headquarters 7ID, Fort Ramon Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija sa pangunguna ni Colonel Joseph Norwin D Pasamonte, Commander ng 703rd Infantry (AGILA) Brigade, 7th Infantry KAUGNAY Division, Philippine Army nitong Disyembre 29, 2021.
Inihayag ni Col Pasamonte sa Press Conference, sinisikap ng kasundaluhan na kamtin ang misyon na tuldukan ang mga lokal na armadong labanan bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Ang Philippine Army ay nakahandang yakapin at tulungan ang mga dating rebelde sa pagpili at pagtataguyod ng mas maayos at mapayapang pamumuhay sa komunidad.
Ipinakita din sa media ang iba’t-ibang baril na isinuko ng tatlong dating rebelde.
Tiniyak naman ng Brigade Commander na mabibigyan ang mga sumukong rebelde ng benepisyo mula sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Samantala, pinuri naman ni MGen Costelo ang desisyon ng tatlong Communist Terrorist Group sa kanilang naging desisyon. Ang naging pasya ng tatlong dating kalaban ng gobyerno ay dahil sa masinsinang pagpapatupad ng programang nakapaloob sa NTF-ELCAC at ang mga kaagapay na Community Support Program ng 70th IB.