Bureau of Corrections, naglaan ng budget sa hygiene kits para sa halos 55,000 na PDLs

Para sa taong ito ay isinama na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kanilang P9.2 billion na budget ang P164.9 milyon na halaga ng hygiene kits para sa 54,988 na persons deprived of liberty (PDLs).

Bukod doon ay may special provision para sa financial assistance ng mga uniformed personnel kung saan magkakaroon sila ng rice subsidy na 20 kilos ng bigas kada buwan.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na tumaas mula P1.5 billion last year ay naging P2 billion ngayong taon ang alokasyon para sa personnel services kabilang na ang suweldo at iba pang compensation para sa mga kawani ng BuCor.


Ang alokasyon para sa operasyon at rehabilitasyon ng custodial services ay tumaas sa P7.1 billion ngayong taon.

Ang pinakamalaking budget ng BuCor ay mapupunta sa New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women na aabot sa P7.3 billion.

Habang P288 million naman ang mapupunta sa aktwal na paglilipat ng PDLs mula New Bilibid Prison patungo sa iba’t ibang prisons and penal farms sa bansa.

Habang P1.16 billion naman ang pondo para sa construction ng Davao Prison and Penal Farm at Iwahig, kasama na rin ang on-going construction ng Super Maximum Facility at Sablayan Prison and Penal Farm.

Facebook Comments