Manila, Philippines – May paglilinaw ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng partial deployment ban sa Filipino domestic workers to Kuwait.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hindi sakop ng deployment ban ang Kuwaiti-bound household service workers na may overseas employment certificates na inisyu bago ang cut-off date na January 3, 2020
Nangangahulugan ito na balido pa rin ang kanilang deployment kaya papayagan silang maka-alis ng bansa.
Kaugnay nito, naka alerto na ang immigration officers sa iba’t ibang international ports para sa mahigpit na pagpapatupad ng nasabing ban na pinaiiral ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nagbabala naman ang BI sa agencies na magtatangkang lumabag sa nasabing kautusan lalo na ngayong ang kanilang system ay integrated na sa POEA.