Bureau of Immigration, muling nagpatupad ng balasahan sa mga tauhan sa ilang paliparan

65

Muling binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga opisyal sa ilang paliparan.

 

Kabilang dito ang ilang opisyal ng BI sa NAIA,gayundin sa Mactan Cebu at Iloilo Airports.


 

Kasama sa mga naapektuhan ng revamp ang labing-dalawang senior officers na nakatalaga sa BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

 

Ang naturang unit ang nagsasagawa ng secondary inspection ng mga pasaherong dumadating at uma-alis sa ibat ibang international ports.

 

Layon pa rin ng hakbang ng BI na maiwasan ang katiwalian sa kanilang mga tauhan sa mga paliparan.

Facebook Comments

From Advertisers