Suportado ng business sector ang pamahalaan sakaling magdesisyon na i-lift na ang umiiral na State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Go Negosyo Founder at dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.
Ito ay dahil maging sa ibang bansa na nakakaranas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, ay wala naman nang umiiral na State of Public Health Emergency.
Aniya, dito sa Pilipinas, kahit marami ang tinataman ng COVID-19, marami pa rin sa mga ito ay mild cases lamang, at hindi na kailangang ma-confine sa mga ospital.
Mahalaga aniya sa usaping ito, hindi mapuno ang mga ospital sa bansa, at makapaghain na ng Certificate of Product Registration (CPR) ang mga manufacturers ng COVID-19 sa bansa, para mabuksan na rin sa publiko ang access o pagbili ng bakuna.
Sinabi pa ni Concepcion, malaking tulong na rin sa ngayong na mayroon ng mga COVID-19 antiviral pill, tulad ng Molnupiravir at Paxlovid.