BUTAS | Oplan Tokhang, nakitaan ng butas

Manila, Philippines – Kumbinsido si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na may batayan para mag-isyu ang korte ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Partikular na ipinunto ni Jardeleza ang Section 3 o “house to house visitation stage” na nasa ilalim ng “Concept of Operations” ng PNP Command Memorandum Circular.

Ayon kay Jardeleza, labag ang nasabing probisyon sa Section 2 ng Republic Act 7438 o An Act Defining Certain Rights of Person Arrested, Detained or Under Custodial Investigation.


Taliwas aniya ang “house to house visitation stage” sa kahulugan ng custodial investigation sa ilalim ng RA 7438.

Ayon pa kay Jardeleza, lumalabas sa Tokhang operations ng PNP na hindi ligtas ang mamamayan sa loob ng sarili niyang tahanan.

Samantala, ipagpapatuloy sa December 5 ang ikatlong oral arguments sa dalawang petisyon laban sa war on drugs ng PNP.

Facebook Comments