BUY-BUST | 2 drug suspek, patay sa magkahiwalay na drug operation

17

Misamis Oriental – Patay ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa magkahiwalay na operasyon ng pulis sa Misamis Oriental.

Kinilala ang naunang nasawi na si Mark Anthony Boqueron, 32-anyos, residente ng bayan ng Opol, na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril.

Nakuha mula kay Boqueron ang limang sachet ng pinaghihinalaang shabu, P500 marked money at isang kalibre-.38 pistol.

Namatay din sa buy-bust operation si Elmer Zambas na nanlaban umano sa mga pulis.

Na-recover rito ang isang kalibre-.38 na baril at sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang mino-monitor ang mga suspek bago isinailalim sa operasyon.

Facebook Comments