BUY-BUST OPERATION | 3 Taiwanese at 1 Pinay, arestado sa Infanta, Quezon

Quezon – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police at PDEA ang tatlong Taiwanese at isang Filipina sa kanilang isinagawang buy bust operation sa Infanta Quezon.

Ayon kay PNP CALABARZON Spokesperson Supt Chitadel Gaoiran alas 4 ng madaling araw kanina nang isagawa ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group, Infanta MPS, PNP- MARITIME Group at PDEA-4A ang operasyon sa shoreline ng Brgy. Dinahican Infanta, Quezon.

Dahil ditto, naaresto ang mga Taiwanese na kinilalang sina Jhuo, Tian-You; Wang, Ching-Huang; Lin, Ching-Weng mga Taiwanese at Kimberly De Vera isang Pilipina.


Nakumpiska naman mula sa mga suspek ang sampung sako ng shabu at 22 galon ng liquid substance.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments