BUY-BUST | P7-M halaga ng shabu, nasabat sa Taguig

Taguig City – Aabot sa pitong milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng FTI sa Taguig City.

Naaresto sa nasabing operasyon ang dalawang drug suspek na kinilala lang sa alyas Nor at Abdulan.

Ayon sa PDEA, nagpanggap na buyer ang isa sa kanilang agent at nang maiabot na ng mga suspek ang isang kilong shabu ay agad ring inaresto ang mga ito.


Inaalam na ng PDEA kung miyembro ang dalawa ng isang Chinese drug syndicate kung saan posibleng nagtatrabaho ang mga ito bilang drug courier.

Facebook Comments